Pinoy Big Brother Season 8


Aspiring housemate ka ba na gustong makapasok sa bahay ni Kuya? Hintayin ang muling pagbubukas ng pinakasikat na bahay sa buong bansa! 

UPDATE #1: Muling magbabalik ang Pinoy Big Brother para sa ikawalong (8th) season nito. Malalaman natin kung kailan sa takdang panahon. Ito ang Pinoy Big Brother: Season 8!



Sa ngayon, ihayag ang iyong pangarap at kwento sa pagco-comment sa link na ito: Click here!

Pinoy Big Brother Audition Tips! (Share your stories here)



Maging handa sa susunod na pagbubukas ng bahay ni Kuya dahil muli nanaman niyang hahalungkatin hindi lang ang Pilipinas, kundi ang buong mundo, para sa mga bagong magiging housemate na papasok sa loob ng kanyang bahay. Ngunit isang proseso muna ang kakailanganin para mahanap niya ang mga ito. Ito ay sa pamamagitan ng isang Audition. Ngunit paano nga ba makapasa sa isang audition? Ito ang unang 5 tips na ibibigay namin sa inyo:

Tip #1:
- Maging totoo sa sarili.

Top #2:
- Dalhin lahat ng kakailanganin. Una, ang pagkain, isa sa kailangan upang hindi ka maaberya lalo na kung nasa pila ka, tapos aalis ka para bumili? Pangalawa, ang mga requirements na kailangan para mag-audition, depende sa ipapadala sa inyo (maaaring may bagong requirements na ipadala).

Tip #3:
- Maghanda ng isang pakete ng confidence. Kung nahihiya ka rin lang, bakit nag-audition ka pa? Tandaan, ang paga-audition mo ay para makasali at makapasok sa loob ng bahay ni Kuya. 24/7 kang bantay sarado ng cam doon plus, ipapalabas pa iyon sa national tv.

Tip #4:
- Pumunta ng maaga sa audition Venue. Lalo na kung around Metro Manila ang audition, huwag ka ng magtaka kung hindi ka makapag-audition dahil sa sobrang dami ng pumipila. Half ng dami ng nag-auditions ay puro taga Metro Manila.

Tip #5:
- Kung tatanungin at may ipapagawa sila sayo, galingan mo. Kung question ang ipapagawa sayo, sagutin mo ng may pagse-seryoso. Kung ipapagawa sayo ay yung talent mo, galingan mo rin. Dapat sa gagawin mo, may maiiwan kang marka, pero hindi yung exaggerated o over na masyado. PBB becomes business also at the same time (nakakahakot sila ng advertiser kapag maganda ang ikalalabas ng mga gagawin ng mga housemates, if nakukulitan/natutuwa ang mga nanonood, kung dumadami lalo ang mga viewers ng show, etc). Kukunin talaga nila kung sino ang maaaring mapapakinabangan nila, kung saan sila pwedeng katuwaan, kung saan maaaring tumaas ang ratings nila dahil sa kakulitan mo. Don't worry, kahit hindi ka gaanong kagwapuhan/kagandahan, i swear, kayang-kaya mo pa rin maka-pasok sa bahay ni Kuya.

I-share ang inyong pangarap at kwento kung bakit niyo rin gustong maging housemate ni Kuya by commenting below.

Pinoy Big Brother Season 8: Online Audition

(C) @PBBabscbn

Aspiring housemate ka ba na gustong makapasok ng bahay ni Kuya? Hindi ka ba maka-sama sa audition dahil malayo ang iyong kinaroroonan? Kahit saang dako ka man ng Pilipinas at mundo, pwedeng pwede ka na mag-audition sa pamamagitan ng "Online Audition" sa pamamagitan ng video. Paano maka-sali? Abangan!

Sa ngayon, hintayin kung kailan muling magpapa-audition para sa mga gustong maging housemate ni Kuya. Tingnan ang mga latest news at updates dito: Click here!